#GMAAC: Give credit where credit is due. Take that!

Credits to FashionPulis.com for these Twitter screenshots.

Kapuso ako eversince. Kaya lang, just because Kapuso ako, does not mean magbubulag-bulagan ako sa mali ng GMA Network lalo sa parte ng GMA Artist Center (GMAAC)

How so insensitive of GMAAC, na si Alden Richards lang ang binigyan ng credit ng GMAAC? FYI, ALDUB po ang phenomenal, hindi lang si Alden at lalo hindi lang si  Maine Mendoza.

I have nothing against Alden and I even liked him way before the emergence of ALDUB phenomenon. Kaya lang, #realtalk lang sa GMAAC, hindi sisikat si Alden if not paired with Maine Mendoza. Kung hindi magiging parte ng Eat Bulaga si Alden, eh di nga-nga pa rin ang relevance niya hanggang ngayon. Sa mga plain Aldenatics, huwag niyo rin ike-claim na walang Maine Mendoza kung walang Alden. Maine Mendoza was starting to get relevance because of Dubsmash, and those dubsmash videos captured the attention of Eat Bulaga and TAPE Inc. kaya nga pinag-audition si Maine, ‘di ba? Magiging phenomenal ba ang lahat kung hindi ba dahil sa Kalyeserye?

As I notice, kapag may Kapuso mall tour at si Alden ang nasa tour, bakit hindi kasama si Maine Mendoza? Iba sa mga nasa GMAAC, ineetsapwera si Maine. Ang latest na natatanggap ko? Balak i-pares si Alden sa ibang leading lady.

You can call me an ALDUB fucking fantard, but seriously, pairing Alden with a different leading lady is a career suicide on the part of Alden, and marketing suicide on the part of GMAAC. Ang mas nakakaloka, maski Kapuso Warriors page sa FB panay ang pakiusap sa ALDUBNation at MaiDenatics na respetuhin ang desisyon ng GMAAC. Ang mas nakakawindang pa, isa sa mga admin ng Kapuso Warriors na si Andrea Hael, kakapalan niya ng mukha na pagtatawagin ng Aldog ang ALDUBNation nung nag-shoutout siya sa secret page ng Kapuso Warriors admins.

Hindi na bago sa GMAAC ang pamumulitika eh. Nung kasagsagan ng bad publicity na ibinabato kay Marian Rivera dati, may ginawa bang damage control ang GMAAC? I bet my billion-peso tits, taga-GMAAC din ang naglalaglag din kay Marian nung nagiging phenomenal na si Marian Rivera thru Marimar, Dyesebel, Darna etc. Masyado kasing “alagang-alaga” nila ang mga tulad ni Katrina Halili (I have nothing against her, though), Heart Evangelista, Bela Padilla, Sam Pinto, Lovi Poe, and even Rhian Ramos. Gusto nilang i-angat ang tulad ni Rhian or ni Bela habang binabagsak nila si Marian. Ultimong si Popoy Caritativo walang ginawa para lang pabanguhin ang pangalan ni Marian. Kung hindi nag-iba ng management si Marian Rivera, baka malaos si Marian, though she was fortunate that she is still being given projects by GMA Network.

I am not writing this sentiments to make ABS-CBN Star Magic look good, and while ABS-CBN shares talent handling shenanigans way worse than GMA Network, maganda pa sa pagpapasikat ng talent at damage control ang Star Magic. GMAAC should be fortunate hindi napunta si Marian sa Channel 2.

Hindi komo’t hindi alaga ng GMAAC ang mga tulad ni Maine Mendoza, hindi ibig sabihin nun, i-e-etsapwera niyo na si Maine. Anubanamanyan, GMAAC! Putang-Ina! Pang-ilang beses na ba kayong binabansagangpabaya kayo sa talent”, bingi pa rin kayo! Hindi pa rin kayo nagtanda. Another thing I heard from a colleague of mine, whose friend is a friend of Jannieva Vercelles (childhood friend of Maine Mendoza) and according to her, Jannieva was actually the top choice of GMA Network. Maine was only second, just that, Jannieva refused the offer.

Kaya pala hindi ninyo halos ma-feature-feature sa mga tulad ng Bubble Gang at Lip Sync Battle si Maine. Pinili niyo pa si Jannieva. Si Maine na nga ang money-maker ng GMA thru TAPE Inc. and Eat Bulaga, hindi niyo pa nire-recognize. Baka sa kaka-etsapwera ninyo, baka maging the next Toni Gonzaga si Maine Mendoza ng kabilang network. Baka nakakalimutan ninyo, halos maging tinik ninyo sa lalamunan si Toni Gonzaga kahit may Angel Locsin kayo at that time. Toni rose to fame better than expected since her transfer to ABS-CBN, and face that.

Sa GMA Network naman, konting pagmamatyag lang sa mga tauhan ninyo lalo sa GMAAC. Baka ina-anaconda na kayo ng mga iyan. Maganda ang News department ninyo, given na iyan, pero huwag magpaka-kampante sa Entertainment. Kaya karamihan nababansagang “eternal starlets” ang mga artista ninyo dahil sa kapalpakan ng management ng GMAAC eh.

Give credit to where the credit is due, GMA Artist Center. Masama na ang pagtingin ko sa ABS-CBN, naknampotah, huwag na kayong dumagdag. Prove me, and the rest of ALDUBNation and Kapuso fans, wrong. Most of all, prove Kapamilya-tards WRONG.

Advertisements

2 thoughts on “#GMAAC: Give credit where credit is due. Take that!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s